^

PM Sports

Kai at Sage magkasamang nagte-training

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Kai at Sage magkasamang nagte-training
Kai Sotto at Sage Tolentino

MANILA, Philippines — Literal na malaki at maganda ang hinaharap ng Gilas Pilipinas matapos ipasilip nina twin towers Kai Sotto at Sage Tolentino ang kanilang potensyal sa joint training sa U.S.

Ayon sa social media post ng 7-foot-2 na si Sotto, nakatambal niya sa pagsasanay ang isa pang seven-footer na si Tolentino na magandang senyales para sa future core ng Philippine national team.

Ito na ang ikalawang pagkikita ng dalawang higante matapos magsama sa Father’s Day celebration ng kanilang mga pamilya noong nakaraang buwan.

Ang 18-anyos na si Sotto ay matagal nang bahagi ng Gilas Pilipinas youth team habang top prospect ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang 16-anyos mula sa Hawaii na si Tolentino.

Inaasahang bubuuin nina Sotto at Tolentino ang pinakamalaking Gilas team sa kasaysayan ng Philippine basketball sa 2023 FIBA World Cup kasama ang ibang Filipino giants na sina 6-foot-11 AJ Edu, 6-foot-10 June Mar Fajardo at 7-foot-0 Greg Slaughter.

Subalit bago iyon, nakatakda munang magpasiklab sa U.S basketball ang dalawa lalo na si Sotto na maglalaro sa select team ng NBA G League bilang unang international signee.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with