^

PM Sports

‘Training bubble’ ng mga pa-Olympics sa Clark?

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung pinaplano ng Philippine Sports Commission (PSC) na ilagay sa isang ‘training bubble’ ang mga Filipino athletes na sasabak sa 2021 Olympic Games ay puwede itong gawin sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Ang nasabing venue ay naging main hub ng 30th Southeast Asian Games noong Disyembre kung saan hinirang ang Pilipinas bilang overall champion.

Pansamantalang ginamit ng gobyerno ang New Clark City bilang quarantine facility para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi kamakalawa ni PSC National training director Marc Velasco na plano ng sports agency na ilagay sa ‘training bubble’ ang mga Pinoy athletes na lalahok sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan.

Nauna nang nakasiguro ng Olympic ticket sina gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at mga boxers na sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

Si Obiena ay matagal nang nag-eensayo sa isang training camp sa Formia, Italy, nagsasanay naman si Yulo sa Japan habang nananatili sa bansa sina Marcial at Magno na malamang na unang malalagay sa ‘bubble’ para paghandaan ang Tokyo Olympics.

Malaki naman ang tsansa nina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, 2019 world champion Nesthy Petecio ng boxing, 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal ng skateboarding at Fil-Japanese Kiyomi Watanabe ng judo na makasikwat ng Olympic slot.

 

vuukle comment

OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with