Mahigpit ang protocol ng GAB sa pro-boxing
MANILA, Philippines — Magiging mahigpit ang Games and Ausements Board (GAB) sa pagpapatupad ng health at safety protocols para sa pagbabalik ng professional boxing sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ayon kay GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, hindi nila papayagan ang mga inter-zonal travels para sa mga boxing fights.
“You cannot be coming from Manila to parti-cipate in a boxing match in Laguna. Sa mga GCQ (General Community Quarantine) areas lang manggagaling ‘yung mga boxers,” wika ni Mitra.
Kamakailan ay pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagdaraos ng mga professional boxing bouts pati na ang horse racing sa mga GCQ areas.
Istriktong ipatutupad ng GAB ang health at safety protocols sa pro boxing.
“They will isolated for a few days hanggang lumabas ‘yung test,” wika ni Mitra sa mga pro boxers na sasabak sa aksyon. “Tapos kapag lumabas na ‘yung test at nag-negative that’s the only time na papayagan na silang lumabas at lumaban.”
Papayagan lamang ng GAB sa loob ng venue ang dalawang maglalabang boksingero, tig-isa nilang trainer, isang referee at tatlong judges.
“We were finding a way para matulungan ang mga promoters natin pero medyo masakit din kasi wala talaga silang audience,” sabi ni Mitra.
- Latest