Trip ng mga players sa loob ng NBA âbubbleâ
Trip ng mga players sa loob ng NBA ‘bubble’
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang nakakulong sa loob ng Walt Disney World sa Orlando ang mga NBA players para sa NBA season restart na magsisimula sa July 30, kung anu-ano ang kanilang ginagawa habang nagpapalipas ng oras.

Sa Instagram, inilibot ng ilang players ang kanilang fans at followers sa bubble para ipakita ang buhay nila sa loob nito.

Tinaguriang NBA ‘bubble’ ang sistemang binuo ng liga kung saan lahat ng partisipante, staff at crew ng 22-teams para sa season reboot ay mananatili sa loob ng Disney Complex.

Unang pinasilip ni Orlando Magic shooting guard Terrence Ross ang kanilang players’ lounge sa kanyang Instagram kung saan makikita ang ilan sa puwede nilang gawin dito gaya ng pa­nonood ng TV, table tennis at ilang game arcade.

“One more sneak peak,” sabi ni Ross sa 35-seconds video nito.

Pustahan naman sa larong cornholes sina Shai Gilgeous-Alexander, Chris Paul at Baz-ley Darius. Natalo sa kanilang mini-game si Darius na may parusang push-ups.

Nag-trip naman sa kunwaring pagdi-DJ ang mga  Dallas Maverick players sa post ni Maxi Kieber.

Sa harap ng malawak na man-made lake mula sa kani-kaniyang balkonahe, kunyari ay nagdi-disc jock at nagsasayawan sina Dwight Po-well, JJ Barea, Luka Doncic at Dorian Finney-Smith.                          

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with