Curry ‘nakipagsuntukan’ kay boxer Alvarez
MANILA, Philippines — Sinubukang makipagsuntukan ni Golden State Warriors shooting guard at NBA superstar Stephen Curry sa kilalang world boxing champion na si Saul Canelo Alvarez.
Matapos sumabak sa isang celebrity golf tournament, ginamit naman ni Curry ang kanyang boxing skills kay Alvarez.
Sa 15-seconds video na pinost ng three-time NBA champion sa Instagram, pumorma ang da-lawa at nagsimulang mag-ambahan hanggang sa sumulpot ang kamay ng four-division world champion sa kanyang mukha.
“He (poison). #NightNight @canelo,” ang simpleng caption ng two-time NBA Most Valuable Player (MVP) sa nasabing video na may lagpas 595k views at halos 140k likes.
Natuwa ang mga fans sa na-ging interaction ng dalawang sikat na atleta at kitang-kita ang pagiging sports nila nang tapusin sa isang fistbump ang ka-tuwaang ito.
- Latest