Thirdy idol si Belga pagdating sa dakdakan
MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Japan B. League-bound Thirdy Ravena na si Rain or Shine Elasto Painters big man Beau Belga ang idol niya pagdating sa pagda-dunk.
Sa latest online episode ng Extra Rice - segment ni Belga sa The Score ng ABS-CBN Sports - isa si Ravena sa kanyang guest kasama sina Jaime Malon-zo ng La Salle at Juan Gomez de Liaño ng UP.
“Akala ko talaga si Jaime ang idol ko sa pag-dunk, pero noong nasa Dubai tayo tapos nakita kong dumunk si kuya Beau parang nagbago na ang lahat. Grabe nagbago ‘yung mundo ko, umiikot eh,” tumatawang banat ng three-time UAAP champion.
Pinuri rin ng three-time UAAP MVP ang ele-vation at maangas na windmill reverse na dunk ni Belga sa Dubai pero biglang bumanat ang big man ng: “Saang windmill? Saan? Sa plato?” na nagpahalakhak sa lahat.
Naging magkakampi sina Belga, Ravena, Gomez de Liaño at Malonzo sa Mighty Sports Phi-lippines na lumaban at nagkampeon sa Dubai International Basketball Tournament noong Pebrero 2020.
- Latest