^

PM Sports

Aguilar,Wong ‘di nakaligtas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

Bukod sa multa ay may parusa pa

MANILA, Philippines — Hindi nakaligtas sa parusa  sina Japeth Aguilar ng Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine kasunod ng kanilang paglabag sa quarantine protocols ng gobyerno noong nakaraang linggo.

Pinagmulta ng tig- P20,000 ang dalawang manlalaro matapos lumutang sa social media ang video ng kanilang 5-on-5 scrimmage kasama ang iba pang players sa isang gym sa San Juan.

Sa direktiba ng IATF ay bawal ang anumang team sports, pick up o practice games sa Metro Manila na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) gayundin ang pagbubukas ng anumang gyms o sports facilities.

Ayon din sa memo ng PBA na inilibas noon pang Marso ay hindi pinapayagan ang anumang training at activities kasunod ng suspensyon ng 45th Season bunsod ng banta ng pandemya.

Kailangan ding magsagawa nina Aguilar at Wong ng tig-30 oras na community service.

Bukod dito ay inatasan silang sumailalim sa swab test ora mismo at kailangang mag-qua-rantine ng 14 days bago makakuha ng clearance  para sa napipintong pagbabalik-ensayo ng PBA.

Ito ay sa kabila ng kanilang sinserong pag­hingi ng paumanhin kay Commissioner Willie Mar­cial na sinamahan nina deputy commissioner Eric Castro at legal consultant Atty. Melvin Mendoza sa pagkausap sa dalawang PBA cagers kahapon sa PBA office sa Libis, Quezon City.

Nauna nang nakausap ni Marcial si Isaac Go na kasama rin sa naturang pick-up game. Kahit ipinahiram muna kasi sa Gilas Pilipinas, bahagi pa rin ng PBA family si Go na siyang No.1 overall pick ng Columbian Dyip (Terra Firma) sa nakaraang draft.

Kasama rin sa naturang pick-up game sina Kobe Paras at ang pa-Japan nang si Thirdy Ravena ngunit hindi sila saklaw ng PBA.

Nangyari na ang naturang paglabag sa quarantine protocol nina Aguilar at Wong bago pinayagan ang PBA noong Biyernes na makapag-ensayo na ang 12 koponan nito simula sa maliliit na grupo lang muna na bubuuin ng apat na players, isang trainer at isang health officer kada-batch.

 

vuukle comment

JAPETH AGUILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with