^

PM Sports

Pacquiao tini-training si Jinkee

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Pacquiao tini-training si Jinkee
Manny at Jinkee

MANILA, Philippines — Nag-timeout sandali sa kanyang pagsasanay ang Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquiao para tulungan sa boxing training ang kanyang misis na si Jinkee.

Sa Instagram, pinasilip ni eight-division world champion ang ginagawa niyang training para sa asawa sa apat na minutong video na kanyang pinost.

“Manny Pacquiao, best trainer in the world and best fighter in the world,” pambungad na bati ni Jinkee sa simula ng kanilang pagsasanay na may halos 250k views at 40k likes sa social media.

Suot ang boxing gloves hindi nagpatalo ang maybahay ni Pacquiao at ibinida nito ang kanyang boxing skills sa lahat sa pagpapaulan ng suntok sa kamay ng mister habang suot ang boxing paws.

Kahit kita na ang kapaguran sa mukha ni Jinkee ay hindi siya tumigil hangga’t hindi niya natatapos ang routine na ibinigay sa kanya ng asawa.

Tuluy-tuloy din ang training at pagpapa-kondisyon ni Pacman para sa inaasahan na pagbabalik-lona niya nga-yong taon at matunog na maaaring makatapat ni Pacquiao sa kanyang pagbabalik sina American fighters Terrence Crawford at Mikey Garcia.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with