Milwaukee Bucks ‘di rin makakapag-practice

(Pang-masa) - July 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malapit nang magtipun-tipon ang 22 teams sa Disney World para sa NBA season restart ngunit ang ilan sa mga koponang ito ay hindi magkakaroon ng tsansang makapag-practice ang kanilang mga players.

Nadagdag sa listahan ng mga koponang nagsara ng practice facility ang Milwaukee Bucks matapos dumating ang mga resulta ng kanilang COVID-19 test na isinagawa noong Biyernes, ayon sa ulat ni Adrian Wojnarowski sa ESPN.

Hindi pa alam kung ilan ang mga nag-positive sa covid  ngunit iniulat na hindi mabubuksan ang practice facility ng Bucks bago sila bumiyahe patungong Disney sa Orlando Florida sa Huwebes.

Nauna nang nagsara ng practice facility ang Denver Nuggets noong nakaraang linggo, kasunod ang Los Angeles Clippers at Miami Heat noong Biyernes.

Ang Bucks ang may NBA-best record na 53-12 at second-best MGM odds na manalo ng championship sa +280, sa likod ng Los Angeles Lakers na +250.

Hindi pa rin nababago ang pagbubukas uli ng NBA season restart sa July 30.

 

MILWAUKEE BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with