^

PM Sports

Aguilar, Wong magpapaliwanag

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Aguilar, Wong magpapaliwanag
Willie Marcial

MANILA, Philippines — Bagama’t lalarga na ang pagbabalik ng PBA simula sa training lang muna, kakausapin pa rin ni Commissioner Willie Marcial sina Japeth Aguilar ng Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine upang hingin ang kanilang panig sa posibleng paglabag ng qua-rantine protocols noong nakaraang linggo.

Haharap ang dalawa kay Marcial sa PBA Office sa Libis, Quezon City ngayon upang magpaliwanag sa pagdaraos ng scrimmage kasama ang iba pang manlalaro.

Lumutang kamakailan sa social media ang video na kasama si Aguilar sa isang 5-on-5 pick-up game sa isang gym sa San Juan.

Kahit wala naman sa video, nasa post-game photo si Wong. Naroon din sina Kobe Paras, Isaac Go at Thirdy Ravena na nakatadakdang maging unang Pinoy import para sa San-En NeoPheonix sa Japanese B. League.

Nauna nang tinawagan ni Marcial si Go na bagama’t ipinahiram sa Gilas Pilipinas ay bahagi pa rin aniya ng PBA.

Humingi na ng paumanhin ang No. 1 rookie pick ng Columbian (Terra Firma) na si Go ayon kay Marcial.

Nakatanggap ng go-signal ang PBA mula sa IATF para makapag-ensayo na ang mga pla­yers noong Biyernes pero nauna nang naganap ang scrimmage ng mga natu­rang manlalaro.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng IATF sa ilalim ng GCQ ang team sports gayundin ang group training, pick-up games, gayundin ang pagbubukas ng sports facilities bunsod pa rin ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa aprubadong guidelines ng IATF ay maliliit na batch na binubuo lamang ng limang katao ang papayagang mag-ensayo.

Ang IATF decision ay limitado lang muna para sa professional training ng basketball at football  clubs bunsod pa rin ng banta ng coronavirus di­sease.

 

vuukle comment

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with