^

PM Sports

Srimmage schedule inihayag ng NBA

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag na ng NBA ang schedule ng scrimmages sa Walt Disney World Resort kung saan 33 games ang nakatakda mula July 22 hanggang July 28 bago ang pormal na pagpapatuloy ng season sa July 30.

Ang lahat ng 22 teams na bahagi ng season restart at may tigatlong games. Ang Orlando Magic at LA Clippers ang sasalang sa first game sa July 22 kasunod ang Wi-zards-Nuggets, Pelicans-Nets at Kings-Heat.

Makaka-scrimmage ng isang team ang isang koponan sa kabilang conference o ang koponang malabo nilang makalaban sa first-round playoff ng kanilang kinabibilangang conference, ayon sa memo ng NBA sa mga teams na nakuha ng ESPN.

Gagamitin ang tatlong arena sa ESPN Wide World of Sports Complex para sa scrimmages gayun din sa regular games.

May tatlo hanggang anim na laro bawat araw sa 7-araw na scrimmages bago ang mga regular seeding games sa July 30.

Pagdating ng mga teams sa Disney ay kaila­ngan nilang mag-qua­ran­tine bago ang training camps.

Inaasahang darating sa Orlando ang mga teams simula sa Martes at kung ang isang player ay nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo, malabo itong makasabay sa kanyang team.

Ayon sa health and safety guidelines ng NBA, ang player na nagka-COVID ay kailangang mag-quarantine at dalawang beses na mag-ne-gative ang swab test bago payagang makabiyahe.

Kung hindi makakapagpa-test dalawang araw bago umalis ang kanyang team, kaila-ngang tatlong beses siyang mag-negative tests bago makabiyahe.

Ang Miami Heat at Denver Nuggets ay ilan sa mga teams na maraming may covid sa kanilang delegasyon sa mga nakaraang araw.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with