GAB chairman Baham Mitra
‘Di kasalanan ng GAB
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

Kung bakit PBA at PFL lang ang pinayagan ng IATF

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Games and Amusement Board kung bakit hindi kasali sa pinayagang makabalik sa training ang ibang liga tulad ng Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MBPL), Philippine Superliga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL).

Mismong si GAB chairman Baham Mitra ang nagklaro na ang desisyon ng IATF sa ngayon ay para sa professional leagues at sa mga pro-athletes nito kaya’t nakatanggap ng green light ang Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Football League (PFL).

Bilang local pro-sports governing body, ang GAB ang namamahala sa regulasyon ng mga pro-sports sa bansa tulad ng PBA at PFL.

Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng PBA at PFL ng sariling return program sa ilalim ng protocols ayon na rin sa GAB.

Sa ngayon, wala sa pangangasiwa ng GAB ang MPBL, PVL at PSL.

Bagama’t hindi muna kasali sa pinayagang makabalik-ensayo ngayon ang ibang liga ay inaasahang unti-unti itong tatalakayin kung gumanda lalo ang sitwasyon ng pandemya at bumaba sa modified general community qua­rantine (MGCQ) ang National Capital Region.

Nananatili sa ge-ne­ral community quarantine (GCQ) ang NCR na dahilan din, ayon sa GAB na patuloy na ipinagbabawal ang pag-lalaro ng basketball at football bilang recrea-tion at hobby sapagkat limitado lang ito sa mga propesyunal.

Ayon sa IATF decision sa pagbabalik ng pro-sports training, hanggang 10 ang papayagan sa MGCQ areas habang lima kasama ang isang coach naman sa GCQ areas.

Ang lahat ng 12 PBA teams ay nasa Metro Manila habang ang mga clubs ng PFL ay maa-ring magsanay sa training center sa Cavite. Parehong nasa GCQ pa ang MM at Cavite hanggang Hulyo 15.

Samantala, maghahanda ang PVL ng request letter sa GAB para sa kanilang pagbabalik-ensayo.

“We’re preparing a request. Ang sinasabi kasi nila ay professional sports muna and sa amateurs parang wala pa, but we’re working on it,” pahayag ni PVL organizer Sports Vision president Ricky Palou.

BAHAM MITRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with