PBA Commissioner Willie Marcial
Lalong optimistiko si Comm. Marcial
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumaki lalo ang pag-asa ng PBA na ma-kababalik sa operasyon kasunod ng malaking desisyon ng IATF na payagan na ang training at conditioning ng basketball at football.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, malaking hakbang ang desisyong ito sa hangarin ng liga na matuloy ang 45th PBA Season na halos apat na buwan nang nakatengga simula pa noong Marso bunsod ng pandemya.

“Masaya tayo sa deve-lopment na ito. We’re still on track for our scheduled return,” ani Marcial. “I’m sure masaya rin ang mga players sa balitang ito dahil sila mismo gusto nang makalaro uli.”

Ang desisyon ng IATF ay sagot sa request na isinumite ng PBA ukol sa planong pagbabalik sa ensayo lang muna sa ilalim ng mahigpit na health safety protocols.

Nangyari ito sa pag-uugnayan ng IATF at Department of Health sa tulong ng Games and Amusement (GAB) at Philippine Sports Commission (PSC).

Bagama’t nakatakdang magsimula sa tamang daan tungo sa pagbabalik, ayaw namang pakampante ni Marcial na nais plantsahin at siguruhin ang programa kasama ang mga coaches at team governors.

Kahit puwede na ang pagsasanay, pupulungin muna ni Marcial ang coaches sa Hulyo 10 kasunod ng board meeting kasama ang 12 governors bago opisyal na makabalik ang lahat ng koponan.

Hinihintay pa rin kasi ng PBA ang kumpletong dokumento at guidelines na aprubado ng IATF.

Ayon sa request na ipinasa ng PBA, hindi buong team agad ang papayagan kundi by batch training lang muna na bubuuin ng apat na manlalaro, isang trainer at isang health officer.

Dadaan din sa full disinfection ang mga facility kada-gamit ng bawat batch bukod pa sa No.1 requirement na COVID-19 swab testing ng lahat ng teams bago ang pagbabalik.

 

WILLIE MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with