Eumir Felix Marcial at Irish Magno
Marcial, Magno makakapag-ensayo na
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pagluluwag ng community quarantine sa Metro Manila ay maaari nang magbalik-ensayo sina Tokyo Olympics-bound bo­xers Eumir Felix Marcial at Irish Magno sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Officer-in-Charge (OIC) Ramon Fernandez na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbabalik-ensayo nina Marcial at Magno.

Si Marcial ay kasalukuyang nasa Cavite, habang si Magno ay nasa Philsports Complex naman sa Pasig City kasama si 2019 World Champion Nesthy Petecio.

Maaari na ring ipagpatuloy ng iba pang national athletes na may tsansang makakuha ng tiket sa 2021 Tokyo Olympic Games ang kanilang pagsasanay sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Fernandez, ang four-time MVP at 19-time PBA champion, kakausapin niya si Marcial at iba pang national athletes hinggil sa safety protocols na kanilang ipapatupad.

“These are for Olympic qualifiers and those who are going to qualify,” wika ni Fernandez na noong Huwebes ay sumailalim sa swab testing sa Philsports Complex kasabay sina Magno at Petecio.

Bukod kina Marcial at Magno, ang dalawa pang Pinoy athletes na nakasikwat ng Olympic berth ay sina pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlos Edriel Yulo na kasalukuyang nagsasanay sa Italy at Japan, ayon sa pagkakasunod.

Puwede namang lu­mabas ng Cebu City si 2018 Asian Games skateboarding gold me­dalist Margie Didal para makapagsanay sa mga lugar na nasa GCQ. Ang Cebu City ay nasa ilalim pa rin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). 

 

 

EUMIR FELIX MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with