Manuel Tumi-TikTok na rin
MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli si Alaska Aces gunner Vic Manuel sa nauusong #MarikitDanceChallenge ngayon.
Sa Instagram pinost ni Manuel ang TikTok video ng kanyang version ng sayaw na ito pero nakadapa sa kama ang istilo.
Tanging “Hahaha” kasama ang kakatuwang mga emoji ang caption ng 2019 SEA Games gold medalist sa video na ito.
Kitang-kita ang na emote na emote ang PBA veteran player habang umiindayog at nagli-lip synch sa sikat na kanta ngayon.
May pa-Behind The Scene (BTS) pa si 2018 Mr. PBA Mr. Quality Minutes kung saan ang isa mga anak niya ang nakahuli sa kanya sabay sabi ng: “Binawalan ko sya mag-TikTok before then nahuli niya ako hahaha.”
- Latest