^

PM Sports

Mighty Sports ‘di maidedepensa ang Jones Cup title

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na maidedepensa ng Mighty Sports Philippines ang kanilang korona sa Jones Cup.

Inihayag ng Chinese Taipei Basketball Association sa Taiwan News ang pagkakansela sa nasabing torneo bunga ng novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sinabi ng Taipei health officials mula sa Central Epidemic Command Center na prayoridad nila ang kaligtasan at kalusugan ng mga players, coaches, team staff at fans.

Hangad sana ng Mighty Sports Philippines ang kanilang pang-pitong Jones Cup crown.

Ito ang ikatlong pagkakataon na kinansela ang pagdaraos ng Jones Cup sapul nang ito ay ilunsad noong 1977.

Dahil sa SARS outbreak noong 2003 ay napilitan ang mga organizers na kanselahin ang torneo.

Unang nakansela ang pagdaraos ng Jones Cup noong 1989 makaraang masunog ang pinaglalaruang venue na Chung-hwa Sports Stadium.

vuukle comment

MIGHTY SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with