Happy si Alyssa sa birthday niya
Alyssa Valdez
Happy si Alyssa sa birthday niya
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natuwa si three-time Premier Volleyball League (PVL) champion Alyssa Valdez sa lahat ng bumati sa kanya sa ika-27th birthday celebration niya.

May umiiral mang community quarantine ay tuloy pa rin ang pagdiriwang ng tinaguriang The Phenom ng kanyang kaarawan noong Lunes kasabay ng pagdating ng mga regalo.

Kasama ang isang picture niya at mga cake na mula sa mga endorsement, team at kanyang fans ang pinost ni three-time PVL MVP sa Instagram.

“27...... overwhelmed by all of your warm birthday wishes.... maraming salamat!,” simpleng caption ni Valdez.

Iba’t ibang personalidad din ang bumati kay Valdez gaya ng dating kasama sa national team na si Dindin Santiago-Manabat maging ang internet sensation na si Mimiyuuuh at mga artista  na sina Elisse Joson at Charlene San Pedro.

May halos 62k likes at lagpas 1k comments na ang nasabing post, as of writing.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with