^

PM Sports

Asian import na rin si Animam

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Asian import na rin si Animam
Jack Animam

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang pag-agos ng Filipino ta-lents sa ibang bansa.

Kasunod nina Thirdy Ravena ng Ateneo at Ken Tuffin, isa namang UAAP standout sa katauahan ni Jack Animam ng NU Lady Bulldogs ang nakatakdang dalhin ang kanyang talento sa Taiwan.

Bagong kabanata ng makulay na karera ang bubuksan ni Animam sa abroad matapos pumirma bilang import ng Shih Hsin University sa paparating na University Basketball Association (UBA) sa Taipei.

Tubong Malolos, Bulacan si Animam na magi-ging unang Filipina player sa Taiwan kung saan nais niyang ipagpatuloy ang tagumpay na hinakot dito sa Pinas bilang isa sa pinakamagaling na UAAP cager at lider ng Gilas Pilipinas women’s squad.

Sa pangunguna ni Animam, nagreyna ang Lady Bulldogs sa UAAP ng anim na sunod na taon bukod pa ang pambihirang 96th straight win na pinakahabang streak sa kasaysayang ng liga.

Sa Gilas women naman, binanderahan niya ang pag-angat nito sa Asian basketball sa nakalipas na mga taon kasunod ng pag-akyat sa elite Division A ng FIBA Women’s Asia gayundin ang paglahok sa Women’s Jones Cup at FIBA Asia Pre-Olympic Qualifying Tournament.

Si Animam din ang trumangko sa double-gold medal win ng Gilas women sa 5-on-5 at 3x3 basketball ng 30th SEA Games noong Disyembre.

Susundan niya ang yapak nina Ravena na maglalaro sa Japanese B. League at Tuffin na sumasalang na sa New Zealand National Basketball League.

vuukle comment

JACK ANIMAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with