Ricky Vargas at Felix Eumir Marcial
Vargas tiwala kay Marcial
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Si middleweight bo­xer Felix Eumir Marcial ang posibleng makapagbigay ng kauna-unahang Olympic Games gold medal sa Pilipinas.

Ito ang matapang na prediksyon kahapon ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum.

Sinabi ni Vargas na focus na ang 24-anyos na si Marcial sa kanyang pagsasanay para sa Tok-yo Olympics na iniurong sa susunod na taon bunga ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Eumir could be the first gold medalist that we’re looking if he gets enough training and if he keeps it up,” wika ni Vargas sa tubong Zamboan-ga City na si Marcial. “Focus na siya ngayon eh. That’s very important.”

Tatlong silver medal ang nakuha ng Pinas sa Olympics mula kina bo­xers Anthony Villanueva (1964), Mansueto ‘Onyok’ Velaco, Jr. (1996) at lady weighlifter Hidilyn Diaz (2016).

Nangako si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na pa-tuloy na susuportahan si Marcial bilang miyembro ng national boxing team kahit magdesisyon siyang umakyat sa professional ranks.

“Eumir now is free to sign a professional contract without losing his right to represent the country,” wika ni Vargas kay Marcial na inaasahang pipirma sa MP Promotions ni Manny Pacquiao sa kanyang pag-akyat sa professio­nal ranks.

“Nagpapasalamat din ako sa PSC. They said they will continue to support Eumir in his quest for the Olympics even if he turns pro,” dagdag pa ng POC chief.

Bukod kay Marcial, ang iba pang nakakuha na ng tiket para sa 2021 Tok-yo Olympics ay sina lady boxer Irish Magno, pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlo Edriel Yulo.

 

 

RICKY VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with