Kumpleto na ni Shaun ang Jordan collection
MANILA, Philippines — Pinasilip ni National University (NU) Bulldogs main man Shaun Ildefonso ang kanyang Jordan 1 collection.
Anim na pares ng Jordan 1 na iba’t ibang kulay ang ibinida ni Ildefonso sa kanyang Instagram habang nakapila ito pababa sa hagdan
“Jordan 1 collection is complete. Still hoping for the Union storm blues but I think I’m good..........for now,” sabi ni Ildefonso.
Napa-comment naman ang kapatid niyang si Dave Ildefonso sabay banat na: “My post is better.” na nagpatawa sa ilang fans.
Maraming naglaway sa koleksyon niyang ito kaya as of writing ay may halos 11k likes at 90 comments ang nasabing post.
- Latest