Taekwondo speed kicking virtual competition ilulunsad
Russell Cadayona (Pang-masa) - June 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pagharap sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay isang bagong torneo ang ilulunsad ng Philippine Taekwondo Association (PTA) sa susunod na buwan.

Sinabi ni PTA secretary-general Rocky Samson na idaraos nila ang National Speed Kicking virtual competition, nakatakda sa Hulyo 11 at 12, mula sa direktiba ni Grand Master Sung-Chon Hong.

“We are actually the ones who invented this speed kicking competition. Brainchild ito ni Master Hong,” wika ni Samson sa panayam sa Philippine Sports Commission (PSC) Hour. “And we are now planning for the ASEAN Taekwondo Championship virtually and the world championship for speed kicking and poomsae.”

Isa ang taekwondo sa mga sports na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng ipinatutupad na Ge­neral Community Quarantine (GCQ) ay ipinagbabawal ang mass gathering at contact sports kagaya ng taekwondo.

Ang speed kicking ay hindi basta event lamang, ayon kay Samson.

“We are simulating the kirogi sparring but no spariing,” ani Samson. “Maraming areas ang titingnan, kasama na diyan ‘yung paramihan ng sipa, pabilisan, anong klase ng sipa ang ginawa at kung mayroon bang body kicks or head kicks.”

Ang lahat ng miyembro ng national taekwondo team ay required na lumahok sa nasabing national speed kicking championship.

“This is actually very challenging for our national team members. They will be push to prove their best,” sabi ni Samson.

TAEKWONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with