Pagiging positibo sa harap ng pandemya
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - June 30, 2020 - 12:00am

Tumama na sa 10 million ang global virus infections at kasama ang Pilipinas na humaharap sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Sabog ang infections sa tennis event ni Novak Djokovic at marami rin ang kaso sa ibang sports.

Kaya’t mukhang malaking hamon sa gobyerno ang desisyon kung paano hahayaang bumalik ang local sports.

Nonetheless, dapat manatiling positibo, gaya ng pananaw ng aking kaibigan na si Dennis Alemania (barangay kagawad at isa sa mga founders ng Bagbaguin Elite Seniors Club sa Valenzuela), na dinapuan ng virus.

Ang mensahe niya sa kanyang Facebook account: “Ako ay ‘positibo’ pero ‘nananatiling positibo.’

“Bilang lingkod sa ating barangay, tingin ko ay moral obligation ko na ipaalam sa ating mga kabarangay na ako ay nag-test positive. Pero ‘di man naka-iwas sa virus sa pag-attend sa aking duties, nais ko pa ring ma-ging ehemplo sa pagpapakita na kayang talunin ang CO-VID-19, positibo ang pananaw na magiging negatibo ang susunod na resulta ng aking test.

“Ang pagsisiwalat ko ng pagiging COVID positive ay upang maging warning sa lahat na dapat maging seryoso sa pagtupad sa minimum health standard na payo ng gobyerno-- social distancing, palagiang pagsuot ng facemask at palagiang paghuhugas ng kamay.

“Dahil tunay na walang ligtas. Walang gaanong problema kung hindi tayo serious case. Pero paano kung ito ay grabe? O asymptomatic ka man, pero mahahawahan mo ang mga mahal mo sa buhay o mga taong mahihina ang pangangatawan na hindi kakayanin ang virus?

“Ako ay mapalad dahil ako ay asymptomatic. At so far, so good sa aking isolation. Pero huwag tayong magpabaya, dahil mahirap mawalay sa mga mahal natin sa buhay ng mahabang mga araw.

“Panalangin ko na huwag nang dumami pa ang kaso, matapos ang pandemya at lahat tayo ay makabalik sa normal na buhay.”

 

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with