^

PM Sports

LeBron, Curry babawasan din ang suweldo

Russell Cadayona - Pang-masa
LeBron, Curry babawasan din ang suweldo
LeBron James at Stephen Curry

NEW YORK — Ma-aaring bawasan pa rin ng 25 percent ang suweldo ng mga NBA players sa Hunyo 15  hanggang sa Setyembre kapag nabawi na ang mga nawalang laro.

Pero ang mga players na kagaya nina LeBron James ng Los Angeles Lakers at Stephen Curry ng Golden State Warriors na nabayaran na ng buo 2020-21 na sahod kaya  sisimulan silang kaltasan sa Nobyembre 15.

Bukod kina  James at Curry nabayaran na rin ng buo sina John Wall, Blake Griffin, Kevin Durant at Paul George kaya mababawasan din ang kanilang sahod sa Nobyembre.

Ayon sa mga ulat, mababawasan sina James at Curry ng $390,000 hanggang $420,000 sa kanilang suweldo.

Mas malaki pa ang mawawala sa sahod ng mga players na maaaring umabot sa 40% na kaltas kung makakansela ang mga laro.

Kung makakansela ang buong season, kabilang ang postseason, tinatayang kabuuang $1 billion ang mawawalang sahod sa mga players.

Ngunit kung maka-kabawi ang NBA inaasa-hang ibabalik din ang mga kinaltas na sahod sa mga players.

vuukle comment

STEPHEN CURRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with