Rematch kay Rigondeaux ang target ni Donaire
MANILA, Philippines — Huli silang naglaban noong 2013 kung saan natalo si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. kay Cuban star Guillermo Rigondeaux sa kanilang bantamweight title unification fight.
Ngayon ay gusto ng 37-anyos na si Donaire (40-6, 26 KOs) na resbakan ang 39-anyos na si Rigondeaux (20-1, 13 KOs, 1 NC) sa isang rematch.
Ngunit bago ito isipin ni Donaire ay kailangan muna niyang talunin si World Boxing Council (WBC) bantamweight titlist Nordine Oubaali (17-0, 12 KOs) ng France.
Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay ipinagpaliban ang nasabing salpukan nina Donaire at Oubaali na itinakda noong Mayo 16.
“Nothing is really clear at this time. It was for May 16th, and it just went out the window,”ani Donaire. “And, you know, they’re trying to figure out what’s going on with boxing, and how they’re gonna go on in the next phase and doing it.”
Sa kabila nito ay tuloy pa rin ang pag-eensayo ng Filipino four-division world champion bilang paghahanda kontra sa French world titlist.
“So, I’m hoping that it’s still the same thing and I’m still kinda training for that.”
- Latest