^

PM Sports

Schedule ng NBA plantsado na

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Plantsado na ang kalendaryo ng National Basketball Association (NBA) sa pagbabalik ng operasyon nito hindi lamang upang tapusin ang naantalang 2019-2020 Season kundi gayundin ang mga nakapilang events nito ngayong taon.

Inanunsyo na kahapon ng liga ang asintang pagbabalik nito sa Hulyo 31 matapos aprubahan ang panukala ng NBA Board of Governors ayon kay Commissioner Adams Silver.

Kalakip ng pagpapatuloy ng natenggang season – na lalahukan ng 22 teams, 13 mula sa Western Conference at 9 mula sa East – ay ang mahigpit na health protocols na may go-signal ng government at health authorities.

Gugulong ang plano ng NBA sa pagsisimula ng training camp ng 22 koponan sa Hunyo 30 matapos makulong ang mga manlalaro ng ilang buwang lockdown upang maibalik ang kanilang kondisyon at rhythm.

Makalipas ang isang linggong pagpapainit ay lilipad na ang lahat sa July 7 sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida na siyang magiging “bubble site” ng NBA hanggang sa matapos ang season sa Oktubre.

Doon na maglalagi ang lahat at ipagpapatuloy ang kanilang mga pagsasanay bago bumalik sa mismong aksyon sa Hulyo 31. Walong regular season games na lang ang lalahukan ng 22 teams upang malaman ang final playoff seedings.

Natural na best-of-seven series naman sa kada-round hanggang sa Finals ang mangyayari at inaasahang ‘di lalagpas ng Oktubre 12 ang season kahit pa mag-Game 7 ang championship sa pagitan ng West at East winners.

Nakatakda ang NBA Draft Lottery sa kalagitnaan ng Agosto 25 habang ang mismong 2020 NBA Rookie Draft ay sa Oktubre 15, tatlong araw lang matapos ang NBA season.

Sa Oktubre 18 naman lalarga ang free agency habang magsisimula agad sa Nobyembre 10 ang training camp para sa mabilis na pagbubukas ng NBA 2020-2021 Season sa Disyembre 1.  (JB)

Posibleng magbago pa ang plano para sa 2020-2021 Season depende pa sa magiging kaganapan sa U.S bunsod pa rin ng COVID-19 pandemic.

 

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with