22-NBA teams sa orlando ok na sa board?
NEW YORK — Inaasahang aaprubahan ng NBA Board of Governors ang isang league proposal na 22-team format para sa muling pagsisimula ng season sa Orlando, Florida.
Nagkasundo na sina NBA Commissioner Adam Silver at ang advisory/finance committee ng liga para sa de-talye ng nasabing plano kung saan maglalaro ang 22 koponan sa Walt Disney World Resort.
Kasama sa plano ang 13 Western Conference teams at siyam na Eastern Conference teams, walong regular-season games at ang play-in tournament para sa eighth seed at playoffs.
Ang top 16 teams sa Eastern and Western conferences ay sasamahan ng mga tropang may anim regular games na lamang, sa eighth place ng dalawang conferences.
Ang mga ito ay ang New Orleans Pelicans, Portland Trail Blazers, San Antonio Spurs, Sacramento Kings, Phoenix Suns at Wa-shington Wizards.
Kasama naman sa play-in tournament ang No. 8 at No. 9 teams -- kung magtatapos ang ninth seed na may apat na laro ng eighth place sa regular season.
Dahil dito ay papasok ang No. 8 seed sa isang double-elimination tournament at ang No. 9 seed sa single-elimination tournament.
Kasama ng New Orleans, Portland, San Antonio, Sacramento at Phoenix sa Western Conference ang Los Angeles Lakers, LA Clippers, Denver Nuggets, Utah Jazz, Oklahoma Thunder, Houston Roc-kets, Dallas Mavericks at Memphis Grizzlies.
Kasama naman ng Washington sa Eastern Conference ang Toronto Raptors, Boston Celtics, Miami Heat, Indiana Pacers, Philadelphia, Brooklyn Nets at Orlando Magic.
Inaasahang sisimulan ng mga koponan ang kanilang training sa kani-kanilang mga pasilidad sa Hulyo kasunod ang full training camps.
Agad sinuspindi ang NBA season noong Marso 11 matapos magposotibo sa COVID-19 si Utah Jazz center Rudy Gobert.
- Latest