^

PM Sports

No-training, no-pay?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Agad nagparamdam si SMB guard Chris Ross ng agam-agam sa plano ng PBA Commissioner’s Office na mahayaan ang mga PBA ball clubs na makabalik na sa on-court training ngayong nasa General Community Quarantine na ang Metro Manila.

At maaaring may ibang mga players na sumang-ayon kay Ross dahil sa concern sa kanilang kalusugan at kalusugan ng kanilang pamilya.

“Risking personal and family safety so that we can train now for games that won’t start until earliest September?!? What’s the rush? No advancement scientifically for the virus. I wanna play ball and get back to work as bad as anyone out there but at what risk?” ani Ross sa kanyang Twitter page.

Naitanong ang concern na ito sa online presser pagkatapos ng PBA board meeting noong Miyerkules.

Sinigurado ni PBA commissioner Willie Marcial ang strict protocols sa layuning maingatan ang kalusugan ng bawat isa.

Idiniin din ni Kume na walang planong agarang balik-laro o kahit na scrimmages kundi on-court conditioning lamang by small batches na hindi lalagpas sa apat na players by session.

At nakalatag ang lahat ng pag-iingat na babantayan ng health officer.

Pero kung may agam-agam ang manlalaro, ito ay bagay na aasikasuhin na ng kanyang ball club.

“Call na ‘yan ng team management,” ani Marcial.

Malamang, kung magpatawag na nga ng training si coach at hindi susunod si player, magka-clash ang dalawa na maaaring mauwi sa “no-training, no-pay.”

Pero maaari rin namang hindi magmadali ang mga ball clubs dahil wala pa namang kasiguruhan kung mare-resume nga ang season sa harap pa rin ng banta ng COVID-19.

vuukle comment

TRAINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with