James Yap, Japeth Aguilar nakiisa sa Project Wifi
MANILA, Philippines — Nakiisa sina PBA veterans James Yap at Japeth Aguilar sa kampanyang Project Wifi ng isang non-profit organization, na layon na tulungang magkaroon ng internet access ang mga kapos-palad na estudyante.
Dahil sa banta ng COVID-19 pandemic sa bansa, isinailalim sa online classes ang mga estud-yante para kanilang kaligtasan pero hindi lahat ay may internet sa bahay.
Sa Instagram posts ng dalawa, makikita ang paraan kung paano makakapag-donate para maka-tulong sa pagkalap ng pondo sa plano nilang pag-sponsor sa pocket wifi sa mga nangangailangan.
“There are many students out there who are struggling to continue studying online but don’t have the means to do so. So with Project Wifi, it aims to solve just that. Let’s try our best to help and sponsor WiFi pockets for those in need, from pre-school to college students all over the country,” caption ng post.
Sa mga nais mag-donate ay puntahan lang ang page ng Project Wifi (@project.wifi) para malaman ang mga detalye ng proyektong ito.
- Latest