Volleyball superstars nakipagkulitan sa Zoom telecon
MANILA, Philippines — Isang Zoom teleconference ang ginawa ng Solid Seven - isang sports and recreational page - kasama ang ilang volleyball superstars sa bansa.
Inuusisa ng grupo ang mga pinagkakaabalahan ng mga manlalaro at paano ang maging isang atleta sa ilalim ng nararanasan nating pandemya ngayon.
Unang sumalang sa conference na ito si strength and condition coach Mark Canon, sinundan ni national team setter Jia Morado at noong Martes ay si veteran libero Denden Lazaro ang nakausap nila.
Masasaksihan naman ang pakikipag-chikahan ngayong araw si UP opposite hitter Tots Carlos at susunod na mga araw naman ay sina outside hitter Jema Galanza at middle blocker Majoy Baron ang makikipagkulitan.
Sa mga nais mapanood at makisali sa session nila ay maaring ninyong bisitahin ang IG account ng So-lid Seven (@solidsevenvbt) at libre naman ang registration.
- Latest