^

PM Sports

Sahod ng mga atleta maibabalik sa dati kung...

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sahod ng mga atleta maibabalik sa dati kung...
PSC Chairman William Butch Ramirez

MANILA, Philippines — Babalik din sa normal na 100 porsyento ang allowances ng national athletes at coaches sa oras na makarekober na ang Philippine Sports Commission (PSC) mula sa dagok ng COVID-19 pandemic.

Ito ang ipinangako ni PSC Chairman William “Butch Ramirez” na inaming hindi madaling desisyon ang pagtapyas ng 50 porsyento sa allowances ng mga national team members hanggang Disyembre.

Subalit hindi ito magiging madali dahil umaasa lang aniya ang PSC sa remittance ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nasaid din ang kita at ipon buhat nang magsimula ang lockdown noong Marso.

“It breaks our hearts from the start of the lockdown. We never cut our connection with our athletes. Eventually, our commitment to the athletes, babalik once bumalik ‘yung collection,” ani Ramirez sa online forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon.

“Ang National Development Sports Fund (NSDF) ng PSC ay para talaga sa atleta ‘yan. ‘Pag bumalik ‘yung pera ga-ling sa PAGCOR, ibabalik po natin iyan sa mga atleta. It’s people’s money and intended for the athletes.”

Ayon sa batas, ang pondo ng PSC ay galing sa appropriations ng Kongreso at mula sa PAGCOR bilang main sponsor. Limang porsyento ng kita ng PAGCOR ay nakalaan sa PSC para sa mga prog-ramang hahatiin sa grassroots at elite.

Subalit maging ang PAGCOR ay di nakaligtas sa hagupit ng pandemic sa paghinto ng casino operations na nagresulta sa malaking pagbaba ng remittance nito sa PSC mula sa regular na P120 milyon kada-buwan hanggang P9 milyon na lamang nitong Abril – na dahilan ng pagtapyas sa allowance ng mga atleta at coaches ng 50%.

Bukod dito, inaasahan din ang unti-unting pagtanggal muna sa ilang foreign coaches hangga’t hindi pa nakakabalik sa normal ang PSC funding.

Samantala, nangako rin na di magtatanggal ng empleyado ang PSC sa gitna ng krisis nito kasabay ang patuloy na pagpapagamit sa mga pasilidad nito bilang quarantine facilities muna sa ngayon.

vuukle comment

WILLIAM BUTCH RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with