June Mar Fajardo
Fajardo nagbigay ng advice sa mga Pinoy sa gitna ng lockdown at COVID-19
Russell Cadayona (Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa harap na kinakaharap na Luzon lockdown bunga ng coronavirus (CO­VID-19) pandemic ay nagbigay ng payo sina San Miguel stars June Mar Fajardo at Chris Ross sa kanilang mga fans at pati na sa samba­yanan.

Sa kanyang 185,000 followers sa Instagram ay hinikayat kahapon ni Fajardo, ang six-time PBA Most Valuable Player, na sundin ng mga Pinoy ang protocols ng lockdown.

“Kailangan natin sumunod sa lockdown… (para) makaiwas tayo sa sakit, hindi tayo magkahawahan,” wika ni Fajardo sa kanyang six-minute video.

Tinanggap ng 6-foot-10 na Cebuano giant ang kanyang record na ika­anim na sunod na PBA MVP trophy sa pagbubukas ng 2020 PBA Philippine Cup noong Marso 8.

Tatlong araw matapos ang laro ng San Miguel at Magnolia ay sinuspindi ng PBA ang season bunga ng COVID-19.

“Iwas tayo sa crowded places,” sabi ni Fajardo. “Masyado tayong exposed kapag nasa maraming tao tayo.”

Nagbigay din si Fajardo ng shoutout sa mga “the doctors and nurses that are working hard to fight the coronavirus, and all of the people making our daily lives easier.”

“Ingat kayong lahat. Wash your hands,” dagdag nito.

Ito rin ang mensahe ni Ross sa mga Pinoy.

“We need to stay away, stay self-quarantined, and act as if you do have it,” ani Ross. “Let’s all fight it together, it’s something that we can overcome.”

JUNE MAR FAJARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with