Pacquiao, Jack Ma Foundation magdo-donate ng 50,000 COVID-19 testing kits
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaksiyon si Manny Pacquiao upang makatulong sa laban ng bansa kontra sa COVID-19 outbreak.

Kasama si Jack Ma ng business giant na Alibaba, nakatakdang magbigay ng 50,000 testing kits si Pacquiao upang magamit ng magigi­ting na health workers sa pagsuri ng mga nanga­ngailangang pasyente.

“We’re excited to announce the Jack Ma Foundation, in partnership with the Pacquiao Foundation, is pledging 50,000 test kits to combat COVID-19 in the Philippines,”  ani Pacquiao.

“With everything that’s happening around the world today, there is no better time to unite and do whatever we can to help each other.”

Ang hakbang na ito ni boxing legend at kasalukuyan ding Senador Pacquiao ay tulong sa Department of Health na kulang ang testing kits upang mas maraming Pinoy ang maisailalim sa COVID-19 examination.

Sa ngayon ay lagpas 100 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa habang nailagay na sa “enhanced community quarantine” ang buong Luzon.

Kanselado na rin ang lahat ng sporting events at mass gatherings sa bansa hangga’t hindi pa pinapawalang bisa ang State of Public Health Emergency gayundin ang enhanced community quarantine hanggang Abril 14.

PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with