Prime Minister Abe itutuloy ang 2020 Tokyo Olympics
(Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

TOKYO — Sinabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe kahapon na nagkaisa ang Group of Seven leaders na suportahan ang isang “complete” 2020 Olympic Games.

Ito ay sa kabila ng coronavirus pandemic.

“We are doing everything in our power to prepare (for the Games), and we want to aim for a complete event as proof that mankind can defeat the new coronavirus,” wika ni Abe sa nasabing grupo.

Nagsagawa ang mga G7 heads of state ng pulong sa pamamagitan ng video conference.

Nakatakda ang 2020 Tokyo Olympics sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Naniniwala si Olympics Minister Seiko Hashimoto na maidaraos ang isang “complete” event na may mga manonood.

Nangako ang mga liders ng G7 sa kanilang video conference na gagawin ang lahat para labanan ang coronavirus pandemic at magkakaisa.

Ang nasabing virus ay dumapo na sa halos 180,000 tao na nagresulta sa 7,000 kamatayan sa buong mundo na dumiskaril sa paghahanda ng mga atleta para sa 2020 Tokyo Olympics.

PRIME MINISTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with