Kumpleto na ang Meralco
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Full force na ang Meralco Bolts sakaling magbalik na ulit ang PBA action mula sa hiatus bunsod ng COVID-19 outbreak matapos makumpleto ang 15-man roster sa pagpapapirma sa rookies na sina Aaron Black at Michael Cañete para sa suspendido munang 2020 PBA Philippine Cup.

Tig-isang taong kontrata ang ibinigay sa dala­wang neophytes na inaasahang magiging malaking tulong sa misyon ng Bolts na makabawi sa All-Fi­lipino Confe­rence matapos kapusin sa season-ending conference na Governors’ Cup finals kontra sa Ginebra.

Napili si Black sa second round ng 2019 PBA Rookie Draft bilang 18th  pick habang sa third round naman bilang 29th overall pick si Cañete.

Produkto ng Ateneo sa UAAP si Black at Arellano sa NCAA naman si Canete.

Naglaro sa D-League si Black at  sumalang din sa MPBL  para sa QC Capitals habang sa Bacoor Stri­kers naman si Canete.

Dadagdag sila ngayon sa solidong roster ng Bolts sa ilalim ni coach Norman Black at babanderahan nina Chris Newsome, Baser Amer, Bong Quinto, Raymond Almazan at Cliff Hodge.

Sa kabilang banda, makakasama ni Black ang kanyang tatay na si Norman upang maging pinakabagong father-and-son tandem sa PBA.

Nauna nang nahawakan ni Black ang stepson niyang si Chris Tan sa Sta. Lucia noong 2001.

Ang iba pang tatay-anak team ay sina Ato at Marc Agustin ng Petron gayundin nina Sonny at Dudut Jaworski ng Ginebra.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with