Amsali kinilalang pinakamatikas na player sa high school
(Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi siya binigyan ng award sa NCAA Season 95 junior’s basketball tournament dahil sa one-game suspension, ngunit hinirang si Rhayyan Amsali bilang isa sa mga pinakamagagaling na high school players sa buong bansa.

Bumandera si Amsali sa final edition ng Chooks-to-Go National Basketball Training Center 24 para sa NCAA.

Dahil sa COVID-19 ay ipinagpaliban ang Chooks-to-Go SM-NBTC National Finals at ang annual All-Star Game.

Orihinal na itinakda sa Marso 21-27 sa SM Mall of Asia Arena, iniatras ang event na suportado ng Chooks-to-Go, SMART, Vivo, Darlington, Phoenix Fuels, Epson, Gatorade, Go for Gold at Molten sa Abril 20-26.

Pinangunahan ng Gilas Pilipinas Youth stalwart ang pagkopo ng San Beda Red Cubs sa una nilang NCAA champions matapos noong 2015.

Kinilala ang 19-anyos na si Amsali bilang Finals MVP.

Tatlong Red Cubs ang nakapasok sa top five at apat naman sa top 10.

Pumangalawa si Season MVP John Barba, inihatid ang Lyceum sa breakthrough Finals appearance, kasunod sina No. 3 Justine Sanchez at No. 5 Yukien Andrada ng San Beda.

 

 

AMSALI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with