PHILRACOM office pansamantalang isasara
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pansamantalang magsasara ang opisina ng Phi­lippine Racing Commission, (PHILRACOM) dahil sa ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte na lockdown sa buong Luzon.

Inihayag ng pamunuan ng PHILRACOM na hindi muna sila magbubukas hangga’t wala pang clearance na balik trabaho mula sa gobyerno.

Nitong nakaraan lamang ay inihayag ng Philippine Racing Commission na bukas ang kanilang opisina para tumulong sa mga kareristang may gustong ipabatid.

Ang nasabing hakbang ng gobyerno ay para paigtingin ang Community Quarantine at para maiwasan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.

“Stay safe Bayang Karerista panalangin natin ang kaligtasan ng bawat Pilipino.” PHILRACOM.

Pinaboran naman ng mga nagkaisang karerista ang pagsunod ng Philippine Racing Commission sa panawagan ng gobyerno.

“Mabuting sumunod na muna para rin naman sa ikabubuti ng bayan,” hayag ni Antonio Macaranas na isang beteranong karerista. “’Yung mga pangarera natin ay ilaan muna natin sa pagbili ng pagkain para siguradong may makakain tayo,”

Noong Sabado ay kinansela ang naka-iskedyul na karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kaya nalungkot ang racing aficionados dahil ayon sa kanila ay nakasanayan na nilang naglilibang sa karerahan kapag araw ng Sabado at Linggo.

Dalawang stakes races din ang nakansela sa nasabing araw, isa na roon ang 2020 Road to Triple Crown na lalahukan ng mga future champions.

Samantala, bilang pampalubag loob sa mga karerista, muling sinabi ng PHILRACOM na pagkatapos ng lockdown ay agad silang magpapakarera.

Kanya-kanyang pagpapakundisyon ang mga trainers sa kanilang mga pangarera kung saan ay inaatasan nila ang kanilang mga tagapag-alaga kung ano ang gagawin sa araw-araw.

Maging ang mga hinete ay may sariling ehersisyo upang manatiling malusog ang kanilang pangangatawan at hindi rin basta basta madadapuan ng nakakatakot na COVID-19.

PHILRACOM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with