_pang-masa
^

PM Sports

World Cup na sasalihan ni Yulo kanselado dahil sa COVID-19

Chris Co - Pang-masa
World Cup na sasalihan ni Yulo kanselado dahil sa COVID-19
Carlos Edriel Yulo

MANILA, Philippines — Damay-damay na dahil kanselado na rin ang prestihiyosong 2020 FIG Artistic Gymnastics Apparatus World Cup na la­lahukan sana ni Filipino world champion Carlos Edriel Yulo sa Baku, Azer­baijan.

Nakatakda sana ang na­sabing torneo mula sa Marso 12-15 na magsisilbing tune-up ni Yulo bago sumalang sa darating na 2020 Olympic Games na lalarga naman sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Mismong si Yulo ang nag-share ng naturang ba­lita sa kanyang social media account.

“The finals of the FIG Apparatus World Cup in Baku have been cancelled following the decision of the government of Azerbaijan to avoid mass gatherings in the country for one month,” ayon sa ibinahaging post ni Yulo.

Gayunpaman, may na­­katakda pang lahukang event si Yulo.

Ito ay ang 9th Asian Se­nior Championships na gaganapin sa Tokyo, Ja­pan sa Mayo 2-5.

Kaya naman tuloy ang ensayo ni Yulo bilang paghahanda sa naturang Asian meet at pati sa Tokyo Olympics kung saan malakas ang tsansa ni­yang makasungkit ng gold medal sa kanyang pa­boritong floor exercise.

Nag­ha­ri si Yulo sa na­turang event noong sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Stuttgart, Germany noong nakaraang ta­on.

Sa parehong torneo rin nakasikwat si Yulo ng tiket sa Tokyo Olympics.

Plano sana ng Gym­nas­tics Association of the Philippines na ipadala si Yulo sa Russia para su­mailalim sa matindng trai­ning camp.

Subalit tumanggi ang Russian association dahil na rin sa pangambang dulot ng coronavirus.

Puspusan na ang trai­ning ni Yulo sa Tokyo ka­sama si Japanese coach Mu­nehiro Kugimiya.

Ilang mga bagong rou­tines ang iniensayo ni­na Yulo at Kugimiya para sa Tokyo Olympics.

 

WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with