^

Players, teams tutulong sa arena staff

(Pang-masa) - March 15, 2020 - 12:00am

MIAMI — Dahil sa sus­pensyon sa NBA sea­son ng isang buwan dahil sa pagkalat ng coronavirus ay nakatengga nga­yon ang suweldo ng mga arena staffs ng mga koponan.

Ilang players at kopo­nan ang nangakong tutulungan ang kani-kanilang mga arena staff.

Sinabi ni No. 1 overall pick Zion Williamson ng New Orleans Pelicans na siya ang bahala sa su­weldo ng mga mangga­gawa sa kanilang arena sa loob ng 30 araw.

Nangako naman si Blake Griffin ng Detroit Pistons ng tulong na $100,000 para sa ka­nilang mga arena staff.

Sinabi naman ni Dallas Mavericks owner Mark Cuban sa kanilang are­­na staff na “we will pay them as if the games happened.”

Ito rin ang gagawin ng Cleveland Cavaliers, Mia­­­mi Heat, Toronto Rap­­tors, Washington Wi­zards, Golden State Warriors at Atlanta Hawks sa ka­nilang mga arena staff.

PLAYERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with