‘Precautionary measures’ inobserbahan sa metro turf para makaiwas sa banta ng COVID-19
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaroon pa rin ng karera noong Biyernes sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas pero may limitasyon.

May lugar lamang ang mga karerista na puwedeng makapanood at makapasok sa karerahan.

May mga naghimutok at may nakuntento sa ibinabang statement ng karerahan.

Itinuloy ang karera pero ipinatupad ng Metro Turf ang “precautionary measures”.

Inihayag ng pamunuan ng Metro Turf na ididistansya ang mga karerista o guests na pupunta sa karerahan upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa mapanganib na coronavirus.

Ibig sabihin ay malayo sila sa mismong pista na tatakbuhan ng mga kabayo.

“In the interest of the public health, Metro Turf management will be implementing precautionary measures to ensure safety of everyone within our Racing Complex for the prevention of widespread (COVID-19) virus. Likewise please be advised that our entry point will be limited at the main entrance grandstand. All guests coming to the racing complex are encourage to participate in this campaign,” nakasaad sa ibinabang statement ng Metro Turf.

Hindi lahat ng karerista ay nasiyahan, pero may ibang nagustuhan ang hakbang na ginawa ng karerahan.

“Para na rin sa kaligtasan nating mga karerista kaya sumunod na lang tayo.” wika ni Antonio Bersamina, isang racing aficionado.

Samantala, lupaypay ang balikat ng mga liyamadista sa pagkatalo ng Manila Bay sa Group Race ca­tegories 9-10 noong Biyernes ng gabi sa nasabing pista.

Nirendahan ni aprrentice rider EA Abres, ipinuwesto niya ang Noble Run sa pangatlo at pinanood lamang nila ang mga nagbabakbakan sa unahan na Manila Bay at Faith Into Action.

Anim na kabayo ang layo kaya kitang-kita ng Noble Run ang banatan ng Manila bay at Faith Into Action.

Nagbalak kumuha ng unahan ang Manila Bay, habang nasa tersero puwesto pa rin ang winning horse.

Abante na ang Manila Bay sa Faith Into Action sa huling kurbada pero bahagyang bumuka ang dalawa kaya nakadaan sa balya ang Noble Run.

Kayugan sa rektahan ang tatlong kabayong nabanggit subalit sa huling 100 metro ng karera ay nakalamang na ang Noble Run.

Tinawid ng Noble Run ang finish line na may apat na kabayo ang distansya sa nasegundong Sizzling Hot, tersero ang Manila Bay, habang pang-apat ang Faith Into Action.

Inirehistro ng Noble Run ang bilis na 1:12.8 sa nsabing 1,200 meter race.

Samantala, kinansela ang karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kahapon at ngayong araw.

Tigil karera muna hanggang Abril 14 para makaiwas sa coronavirus.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with