Bayang karerista nanghinayang sa pagkakansela ng mga karera dahil sa COVID-19
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanghinayang ang mga karerista matapos malaman na kinansela ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Karamihan sa mga karerista ay nag-aral na ng kanilang tatayaan dahil Huwebes pa lamang ng gabi ay may line-up na at kahapon ng umaga ay nakabili na sila ng programa.

“May mga stakes races na nakasalang tapos napag-aralan ko na at alam ko na mga tatayaan ko sa winner take all.” malungkot na wika ni Pablito Marcelo, isang veteran karerista.

Hinayag ng pamunuan ng karera na napagdesisyunan nilang huwag ituloy ang karera upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga karerista, hinete, trainers, horse owners at mga nagtatrabaho sa karerahan.

Ito ay matapos ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-quarantine ang Metro Manila mula bukas hanggang sa April 14, 2020.

“In line with President Rodrigo Duterte’s proclamation on the “Quarantine” of Metro Manila starting March 15, 2020 to April 14, 2020 the Philippine Racing Commission in support to the president’s formal announcement shall require and implement the following,” nakalagay sa stament ng Philracom.

Isa sa mga ipapatupad ng Philracom ay ang “The insuance of Racing permits shall be temporarily stopped during the duration of the quarantine or until the proclamation has been formally lifted,”

Kasama rin sa statement ng Philracom ang “All racing clubs are hereby ordered the temporary suspension of all regular horse racing activities.”     

Nakaraan lamang idineklara ng World Health Organization (WHO) na ang sitwasyon ng COVID-19 ay isang world pandemic.

Nakatakda sanang pasibatin ang 13th Horse Power Racing Festival na ilalarga ngayong araw.

Sang-ayon naman ang ibang karerista sa ginawang hakbang ng Philippine Racing Commission.

“maganda na rin ‘yung ginawa nila huwag na nating hintayin na may tamaan ng virus sa atin bago nila ipatigil ang karera,” saad ni Manny Ganay, kareristang taga Carmona, Cavite. 

Bukod sa nasabing tampok na karerang nakansela, ikakasa rin sana ang 2020 Philracom “Three-year-Old Maiden Stakes Race bukas kung saan siyam na bagitong kabayo ang magtatagisan ng bilis sa distansyang 1,500 meter race.

May nakalaan na P1.2-M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta,  P720,000 ang hahamigin ng mananalo sana.

Nakasalang sana ang Beli Bell na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez.

Sa susunod na buwan ibabalik ang karera pero wala pang petsa kung kailan ikakasa ang nasabing mga stales races.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with