Smiling Lady inungusan ang Takdang Panahon para manaig sa Condition race category 19
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakipaglutsahan ang Smiling Lady sa Takdang Panahon pero hindi naubos ang lakas ng una kaya nasilo ang panalo sa Condition race category 19 noong Huwebes ng gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Paglabas ng aparato ay nagbakbakan kaagad sa unahan ang Smiling Lady na nirendahan ni class B rider Jericho Serrano at Takdang Panahon na ginabayan naman ni class A jockey RM Garcia.

Lamang ng isang ulo ang Takdang Panahon sa Smiling Lady na nakapuwesto sa tabing balya papasok ng far turn at magkapanabayan pa rin ang dalawa.

Subalit habang papalapit ng huling kurbada ay kumukuha na ng unahan ang Smiling Lady pero hindi naging madali para sa winning horse ang pag-agaw ng bandera.

Pagpasok ng home stretch kahit lamang na ang Smiling Lady ay hindi basta nagpadaig ang Takdang Panahon at nakasali na rin ang Marahuyo.

Hindi naubos ang lakas ng Smiling Lady at napanatili ang paghawak sa unahan at sa huling 100 metro ng karera ay halos tatlong kabayo na ang naging bentahe.

“Sabi ko laban na kami sa unahan baka kasi makabuo ng ere ang Takdang Panahon kapag pinauna namin kahit isang kabayo lang, tutal maiksi ang lang ang karera, kaya nilabanan namin sila nang sabayan,” wika ni Serrano.

Inirehistro ng Smiling Lady ang bilis na 1:13 minuto sa distansyang 1,200 meter, dumating na segundo ang Exelero, pangatlo ang Marahuyo, habang pumang-apat ang Takdang Panahon.

Samantala, nagwagi ang Union Run sa Condition Race category 18 na pinakawalan sa pangatlong karera.

Sakay si class A rider Mark Angelo Alvarez, inilista ng Union Run ang tiyempong 1:13.8 sa 1,200 meter race pumangalawa ang McCartney, habang tersero ang Jacqueline.

Hindi naman nagpadaig sa race 4 ang li­yamadong Beyond D’ Sea na nanalong may halos anim na kabayong agwat sa sumegundong Princess Miyomi.

Itinala ng Beyond D’ Sea ang 1.27.6 minuto sa 1,400 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

SMILING LADY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with