^

PM Sports

Dalupan trophy pag-aagawan nina Austria at Cone

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gitgitan sina Ginebra coach Tim Cone at San Miguel mentor Leo Austria sa karera para sa 2019 Virgilio “Baby” Dalupan Coach of the Year award ng PBA Press Corps Annual Awards Night sa Mar­so 16 sa Novotel Manila sa Araneta, Cubao.

Dinala ni Austria no­ong nakaraang taon sa ‘five-peat’ Philippine Cup championship ang mga Beermen sahog pa ang Commissioner’s Cup title para sa potensyal ang Grand Slam.

Subalit sinibak agad sila nina Cone at ng Gin Kings sa quarterfinals ng Go­vernors’ Cup patungo sa kampeonato matapos talunin ang Meralco Bols sa Finals.

Bukod sa season-en­ding conference, nagpa­kulay din sa taon ni Cone ang gintong medalya sa SEA Games matapos ga­bayan ang Gilas Pilipinas sa championship sweep sa tulong nina Ginebra players Japeth Aguilar, Greg Slaughter, LA Tenorio at Stanley Pringle.

Nakamit ni Cone ang naturang parangal noong 1994, 1996 at 2014, habang iniuwi ito ni Austria mula 2015 hanggang 2017 para matiyak ang Per­petual trophy sa pagi­ging coach of the Year sa tatlong sunod na seasons.

Igagawad din ang Dan­ny Floro Executive of the Year Award, Defen­sive Player of the Year, Mr. Quality Minutes, All-Rookie Team at Order of Merit.

AUSTRIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with