_pang-masa
^

Lady Bulldogs nilapa ang solong liderato

Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - March 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Solong liderato ang kinuha ng National University Lady Bulldogs, ha­bang nakabawi ang Uni­versity of Santo Tomas Golden Tigresses sa UAAP season 82 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinahiya ng Lady Bulldogs ang Adamson La­dy Falcons, 26-24, 25-14, 25-21, at winalis ng Gol­den Tigresses ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-20, 25-16, 25-18.

Umariba para sa Bus­tillos-based squad si senior wing hitter Audrey Pa­ran na may 15 points mula sa 10 attacks, 3 aces at 2 blocks.

May dagdag pang 13 mar­kers si Congolese roo­kie Margot Mutshima para sa NU.

“Masaya kami dahil pa­ngalawang panalo namin for this season. Sobra kaming na-inspire kasi unlike last season hindi ba nakuha namin ‘yung first win namin matagal pa,” sabi ni coach Norman Miguel.

“Malaking factor ito para sa players namin. Ma­laking morale boost pa­ra sa kanila to work har­der towards the succeeding games namin.”

Sa panig naman ng UST, hindi nila hinayaan na makaapekto sa laro ang huling pagkatalo la­ban sa NU at ibi­naon ang FEU lalo na sa third set kung saan ipinoste nila ang 15-5 bentahe patungo sa 23-11 kalamangan.

Nagawa pang manakot ng Lady Tamaraws nang pakawalan ang 6-0 atake para ibaba sa 17-23 ang kanilang hinahabol.

Ngunit hindi nagpatinag ang UST at humataw sina Ysa Jimenez at Babylove Barbon para tul­dukan na ang laro.

Kinapitan ng 2019 season runner-up ang mag­kapatid na Eya at EJ Laure na pumalo ng 16 at 12 points, ayon sa pag­kakasu­nod.

LADY BULLDOGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with