Security Supreme kumasa sa 3-yr old maiden race
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Security Supreme ang husay sa karerahan matapos pakainin ng alikabok ang mga nakatunggali sa Three-Year-Old & Above Maiden Race na pinakawalan kahapon sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Dehado sa mga karera tipsters ng programa ang Security Supreme subalit nang magsi-mulang magbentahan ng tickets ay biglang pinaboran ng mga liyamadista ang Security Supreme na nirendahan ni class A rider Mark Angelo Alvarez.

Ipinaramdam kaagad ng Security Supreme ang lakas nito sa largahan at kinuha ang unahan, habang pilit na lumulutsa ang City By Storm na ginabayan ni class A jockey CS Pare.

Pagsapit ng far turn ay nasa unahan pa rin ang Security Storm at pinapahirapan pa rin ng City By Storm at ang second choice favorite na Dream Dream Dream ay nagkukumahog pa rin sa pangatlong puwesto.

Lumayo na nang tuluyan ang Security Supreme sa home turn at sinigurado ang ang panalo sa rektahan dahil nakalamang ng pitong kabayo.

Tinawid ng Security Supreme ang meta ng may walong kabayo ang agwat sa segundong City By Storm, habang tumersero ang Quid Pro Quo.

Hinamig ng Security Supreme ang added prize na P10,000 mula sa Phi-lippine Racing Commission (Philracom).

“Ang husay. Parang kulang pa ‘yung distansya sa Security Supreme. Malayo pa ang marara-ting ng kabayo,” wika ni Alvarez.

Inirehistro ng Security Supreme ang bilis na 1:27. 2 sa nasabing 1,400 meter race.

Patok sa programa ang Dream Dream Dream pero nasilip ang Security Supreme kaya naging segundo liyamado na lamang ito.

Dumating na pang-apat ang Dream Dream Dream.

Hindi naman nagpadaig ang Storm Shadow sa pangalawang karera at inangkin ang panalo sa Condition race Category 22.

Pumuwesto muna sa tersero ang winning horse at pinagmasdan lamang ang bumabanderang Magnitude Eight, habang nasa pangalawa ang Taranasakalyos.

Pero pagsapit ng far turn ay inagaw na ng Storm Shadow ang unahan at tumuluy-tuloy hanggang sa finish line.

Inilista ng Storm Sha-dow ang tiyempong 1:29 sa 1,400 meter, puma-  nga­lawa ang All For Mama, habang pangatlo ang Taranasakalyos. 

Samantala, nanaig sa Philracom-RBHS Class 3 ang dehadong Happy Maggie na sinakyan ni class A jockey Kelvin Abobo.

SECURITY SUPREME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with