^

PM Sports

Greece tinapos sa 3-1 ang kanilang laban ng Philippine team

Pang-masa
Greece tinapos sa 3-1 ang kanilang laban ng Philippine team
Nagdiwang sina Ruben Gonzales at Francis Casey Alcantara sa kanilang panalo sa doubles laban kina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis.

MANILA, Philippines — Tuluyan nang pinatid ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas ang anumang pag-asa ng Pilipinas ma­tapos patumbahin si Jeson Pa­trombon, 6-2, 6-1, pa­ra sel­yuhan ang do­mi­nas­yon ng Greece sa ka­­nilang World Group II Davis Cup tie kahapon sa Philippine Co­lumbian Association Plaza Dilao courts sa Paco, Manila.

Nauna nang tinalo ng 21-anyos na si Tsitsipas si AJ Lim sa parehong iskor sa unang singles match no­ong Biyernes.

Tinalo naman ni Petros, ang nakakabatang ka­patid ni Tsitsipas, si Patrombon, 6-2, 6-1, sa isa pang singles match.

“We’re looking forward to playing our next op­ponents,” pahayag ng 6-foot-4 na si Tsitsipas, nauna nang na­talo kay No­vak Djo­ko­vic sa finals ng Dubai Cham­pionship noong nakaraang linggo.

Hindi nablangko ang mga Pinoy netters matapos talunin nina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales sina Petros Tsitsipas at Markos Ka­lo­velonis, 7-6 (5), 6-4, sa doubles.

GREECE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with