NLEX handa na para sa Philippine Cup
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - March 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang tro­pa ng NLEX matapos pa­pirma­hin ang ilang bete­ra­no para sa 2020 PBA Philippine Cup opener sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Binigyan ng contract extensions ng Road Warriors sina Cyrus Baguio, Pa­pot Paredes at Kyles Lao para sa misyong ma­kapanggulat sa All-Filipino conference.

Tig-isang taon ang kon­­trata nina Paredes at Lao at six-month deal lamang kay Baguio.

Ito ay para mabigyan ng magandang farewell tour si “Skyrus” sa PBA Philippine Cup matapos siyang mag-anunsyo na ito na ang kanyang huling PBA conference.

Ang NLEX ang ika­anim na team ng UST standout sa makulay ni­yang 17-year career ma­tapos mapili bilang 14th overall pick ng Red Bull noong 2013 PBA Rookie Draft.

Inaasahang magi­ging malaking tulong sina Baguio, Paredes at Lao para sa NLEX na papasok sa transition sa pagkawala ni big man JP Erram.

Nalipat si Erram sa TNT Katropa na nag-iwan kina JR Quiñahan  at Asi Taulava sa frontcourt ng Road Warriors kasama sina Kris Porter, Raoul Soyud, Mike Miranda at rookie Wil McAloney.

Babandera sa back court ng sina Kiefer Ra­ve­na, Ke­vin Alas, Bong Ga­lanza at Philip Paniamogan.

 

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with