Itinaas ni George Oconer ng Navy ang kanyang mga kamay sa paghahari sa 2020 LBC Ronda Pilipinas.
PM photo ni Ernie Peñaredondo
LBC Ronda crown inangkin ni oconer
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 5, 2020 - 12:00am

Navy-standard insurance kinopo ang overall team championship

VIGAN CITY, Philippines — Hanggang sa huling stage ay ipinakita pa rin ng Standard Insurance-Navy ang kanilang tikas sa padyakan.

Kahit tiyak na sa Navy ang overall individual at team classification ay rumatrat pa rin si two-time champion Jan Paul Mora­les at mga teammates niya sa final Stage 10 ng LBC Ronda Pilipinas kahapon dito.

Nasikwat ni Morales ang 40 minutes plus three laps criterium na nag­si­mula at nagtapos sa pro­vin­cial capitol.

Nakuntento naman sa su­nud-sunod na lamang si Geroge Oconer ng Na­vy sa kanyang teammates ka­ya ikinahon niya ang ma­tagal nang inaasam na titulo sa event na inor­ga­nisa ng LBC at pakiki­pag­tulungan sa Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

“Maraming salamat sa mga kakampi ko at sa Standard Insurance dahil sa suporta nila nakuha ko ‘yung matagal ko nang pa­ngarap,” sabi ni Oco­ner ng San Mateo, Rizal.

Nakalikom si Oconer ng 32 oras, 42 minuto at 12 segundo, nasa panga­lawang puwesto hanggang ikaanim sina 2018 champion Ronald Oranza, Ronald Lomotos, John Mark Cami­ngao, Junrey Navarra at El Joshua Cariño, ayon sa pagkakahilera.

Inirehistro ng 34-an­yos na si Morales ang 51 minuto at 20 segundo, pa­ra sungkitin ang pangat­long stage win.

Pangalawang tumawid sa meta si Oranza, pa­ngatlo si Navarra, ha­bang sina Scratch It ri­ders Jerry Aquino, Jr. at Rex Luis Krog ang umupo sa fourth at fifth, ayon sa pagkakasunod.

Inamin ni Oconer na ito ang best performance niya ngayong taon.

Ibinulsa niya ang prem­yong P1 milyon.

“Unang sali ko sa Ron­da noong 2011 kaya ma­halaga sa akin itong pa­nalo.” ani Oconer.

Ang ibang nakapasok sa top 10 ng individual clas­sification ay sina Go for Gold riders Jonel Car­cueva (7th), Daniel Ven Ca­­riño (8th) at Ismael Grospe, Jr. (9th) at pang 10 si Marvin Tapic ng Bi­cycology Shop-Army.

Samantala, nasikwat din ng Standard Insu­rance-Navy ang titulo ng overall team classification.

LBC RONDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with