Si Daniel Ven Cariño ng Go for Gold sa Stage 8.
PM photo ni Ernie Peñaredondo
Oconer nakatutok sa korona ng 2020 LBC Ronda
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 3, 2020 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Minani ng Standard In­surance-Navy ang sinasabing ‘killer stage’ sa LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race.

Anim na Navy ri­ders ang kasama sa top 10 fi­nishers sa Stage Eight na nagsimula sa Palayan City at nagtapos sa Burnham Park dito kahapon.

Nagwagi sa nasabing stage si Daniel Ven Ca­riño ng Go for Gold ka­sunod si Marvin Tapic ng Bicycology Shop-Army, habang nasa third at fourth place sina Go for Gold ri­­ders, Jonel Carcueva at Is­mael Grospe, Jr., ayon sa pagkakasunod.

Tumawid ng meta bi­lang No. 10 ang may ta­ngan ng Red Jersey na si George Oconer.

Ang iba pang Navy cy­clists na swak sa unang 10 siklista ay sina Junrey Navarra (5th), 2018 champion Ronald Oranza (6th), Ronald Lomotos (7th), John Mark Cami­ngao (8th) at El Joshua Ca­riño (9th). 

Lumakas ang tsansa ng 28-anyos na si Oconer sa asam na titulo sa event na inorganisa ng LBC at pakikipagtulungan sa Man­ny V. Pangilinan Sports Foundation.

“Pangarap ko talagang ma­nalo sa Ronda kaya kung sakali na makuha ko malaking pasasalamat ko sa mga kakampi ko at sa buong team na sumo­suporta sa amin,” wi­ka ng anak ni dating Olympian Norberto Oconer.

Nakapagtala ng ag­gre­­gate clocking na 27 oras, 34 minuto at 35 se­­gundo si Oconer sapat pa­ra hawakan ang top spot ng overall individual classification.

Hindi nagalaw ang iba pang Navy ri­ders sa in­dividual classification.

Nasa No. 2 si Oran­za, tersero si Lomotos, pang-apat si Camingao habang fifth at sixth sina Navarra at Ca­riño, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, tiyak na ang overall team classifi­cation title sa Navy sa ka­nilang 110:18,25 oras.

 

OCONER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with