^

PM Sports

Navy bumandera sa stage five

Nilda Moreno - Pang-masa
Navy bumandera sa stage five
Nagdomina ang mga Navymen sa Stage Five ng LBC Ronda Pilipinas.
PM photo ni Ernie Peñaredondo

ANTIPOLO CITY, Philippines – Dalawang sunod na sta­ges ang dinomina ng Standard Insurance-Navy sa umiinit na LBC Ronda Pilipinas 2020.

Anim na Navy riders ang unang dumating sa fi­nish line kaya nakopo ulit nila ang 1,2,3 fi­nish ma­tapos ang 128.5-kilo­meter Stage Five na nagsimula sa Lucena City at nagtapos dito kahapon.

Unang tumawid sa me­ta si John Mark Cami­ngao, pangalawa si 2018 king Ronald Oranza, ha­bang tersero si Junrey Na­varra.

Nasa pang-apat hanggang pang-anim na pu­wes­to sina El Joshua Cariño, Stage Four winnier Ronald Lomotos at ang bagong magsusu­ot ng Red Jersey na si George Oconer.

Inirehistro nila ang pa­re-parehong bilis na tatlong oras, 12 minuto at 50 segundo sa event na suportado ng LBC at inis­ponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation kasama ang Ver­sa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Stan­dard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Pro­lite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vi­tamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

Nasa  ika-24 namang du­ma­ting si Mark Julius Bor­deos ng Bicycology Shop-Army at mahigit li­­mang minutong diperen­sa sa anim na Navy na tu­mawid sa meta kaya na­hubaran siya ng Red Jersey at nalilipat ito kay Oconer paglarga ng 111.9-km. Tarlac-Tarlac Stage Six bukas.

Nakalikom si Oconer ng 17 oras, 54 minuto at 13 segundo sapat upang mahawakan ang overall individual classification.

Sa Stage Four ay tatlong Navy ang umakyat sa podium matapos ma­nalo si Lomotos, puma­ngalawa si Navarra at pu­mangatlo si Cariño.

Samantala, malaking bagay ang naitulong ni Oranza sa tagumpay ng Na­vy sa nasabing stage,

Naiba ang plano ng Na­vy kaya pinamunuan ni Oranza ang atake para magtuluy-tuloy sila sa fi­nish line.

“Pangalawang option namin ito kasi naiba ang plano namin, dapat kami ang susunod pero nagka­ba­liktad, kaya sabi ko sa mga teammates ko magtrabaho kami para makuha ang stage na ito,” sabi ni Oranza na ganadong pumadyak dahil sa kanyang tatlong buwang buntis na asawa.

 

vuukle comment

LBC RONDA PILIPINAS 2020

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with