Mainit na upakan sa pagitan nina Casimero at Inoue
Chris Co (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Asahan ang isang blockbuster fight sa oras na magkrus ang landas nina World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casimero at World Boxing Association (WBA) super bantamweight at International Boxing Federation (IBF) bantamweight titlist Naoya Inoue.

Nakatakda ang bakbakan nina Casimero at Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada kung saan isiniwalat ni Top Rank chief Bob Arum na libu-libong tikets na ang nabenta sa unang araw pa lang ng pagbubukas ng ticket sales.

“It’s going to be a big, big fight. In the first hour, we sold a thousand ticket, and I think it is going to be a blockbuster,” wika ni Arum.

Puspusan na ang paghahanda ni Casimero.

Sa katunayan ay lutang na ang bato-bato nitong katawan base sa ipinadalang mga larawan ng kanyang kampo habang nagsasanay ito sa Miami, Florida.

Kita na ang perpektong kondisyon ng pangangatawan, ngunit kailangan pa aniya itong plantsahin upang masiguro na nasa 100 porsiyento ang kanyang estado bago labanan ang matinik na si Inoue.

Alam ni Arum ang kakayahan ni Casimero at naniniwala siyang kayang-kaya ng Pinoy champion na mapagbagsak ang “The Unbeaten Japanese Monster.”

“Casimero has a very good chance, he is a very good puncher, it’s should be a spectacular fight,” wika ni Arum.

Gayunpaman, pinayuhan ni Arum si Casimero na mag-ingat dahil ilalabas din ni Inoue ang buong lakas nito para mapanatiling suot ang dalawang koronang hinahawakan nito sa kasalukuyan.

“The ‘Monster’ is coming to Las Vegas, and we couldn’t be more excited. He is a generational talent, a fierce competitor who is ready to take the United States by storm. Casimero is a seasoned champion, and Inoue knows he’s in for a firefight at Mandalay Bay,” sabi ni Arum.

Alam ng kampo ni Inoue na hindi birong kalaban si Casimero na nagtataglay ng kakaibang bangis katulad ng ibang Pinoy world champions kagaya ni Filipino boxing legend Manny Pacquiao.

“The Inoue people said they don’t want to fool around they want to fight the best guy out there, and the best guy out there was Casimero. Actually, we are pa­ying extra money for Casimero we could have gotten a much more inexpensive opponent,” dagdag pa ni Arum.

BOXING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with